TALATA Videos

Panaginip.

“Hindi na kailangang managinip.
Nagbago ang lahat nang hangin biglang umihip.
Noon pa, nakita ko na.
Mga landas natin ay magiging isa.

Panaho’y kay lamig,
Halika’t yayakapin kita nang mahigpit.
Mula sa araw na ito, pangako ko,
Ako na ang kukumpleto sa lahat ng mga araw mo.

Marami nang dinaanan,
Marami pa din tayong pupuntahan.
Samahang pinatatag ng mga panahon na lumipas,
Gaya ng pag-ibig ko sa’yo, hindi kukupas.”

IG @paperprojectphoto
www.paperprojectphoto.com

Imbitado Events | BKS Couture | Notion in Motion | k. by cunanan catering | Joan Quizon MakeUp | Los Arboles Tagaytay Events Place

Istorya ng Payong. 🦉🍂

Ron & Athena, a TALATA Wedding

“Sa wakas, Ito na iyon.
Matapos ang preparasyon, at bawat dalanging tinugon.
Malaki at maliit na detalyeng inipon.
Upang makagawa ng isang magandang selebrasyon.

Ngunit gaya ng buhay, hindi palaging umaayon.
Sa kalagitnaan ng pagsusumpaan.
Nagsimulang umambon.
Kaya’t nagpangakuan sa ilalim ng iisang payong.

Sa bawat reyalidad, pipiliin ka.
Pinakamasaya ako kapag ikaw ang kasama.
Pagtitibayin ng bawat ulan, unos, kahit ano pa ang bumuhos.
Dahil ikaw ay iniibig ko nang lubos.”

Umaapaw.

Carlo & Erika, a TALATA Prenup

“Ang tagal na kitang kasama,
Nasasabik pa din sa bawat umaga.
Lahat ng baso ng kape na ikaw ang nagtimpla.
Kilig umaapaw, sobra.

Mapunit man ang pantalon,
Asahang ako ay nandoon.
Bumilang pa ng ilang taon,
Hindi ba ang ganda kung nasaan tayo ngayon?

Sa bawat byahe, malungkot at masaya,
Buhay pala ay hindi isang karera.
Minsan mabagal, nakakalito, pasikot-sikot.
Pero kalma, sa passenger seat ikaw ay nag-iisa.”

Aaron & Charlene, a Talata Prenup 🦉🍂

Pahinga.

“Magkaibigan. Iyon tayo noon.
Pinakilala, pinagtagpo, noong unang buwan ng taon.
Sino ba naman ang mag aakala.
Isang dekadang agwat, mawawalang bahala.

Pinayagan ka na makasama ako sa Bataan.
O anong saya ang aking naramdaman.
Ako’y handa na sa lahat ng gusto mong puntahan.
O kahit tumambay lang tayo sa kung saan man.

Sana’y pag bigyan pa ng mundo ang dalangin ko.
Mapasaya ang mukha mong laging galit at seryoso.
Hindi na nanaising lumisan pa,
Haplos mo’y aking pahinga.”

IG @paperprojectphoto
www.paperprojectphoto.com

SEKA Makeup Artist