Category: TALATA Weddings

03 Jun

G U N I T A | Dom X Erika | ALABANG

“Hindi pagtatapos kun’di pagsisimula.
Bagong yugto at mga kabanata.
Sa lahat, hindi pa din makapaniwala.
Kay tagal pinangarap, kaya mula ngayon ako sa’yo ang bahala.

Habang naglalakad ka papasok ng simbahan, nakita ko ang lahat.
Sa panibagong umaga, tayo ay mumulat.
Pinakamadaling mga salita aking binitawan.
Pangako na habambuhay ka ilalaban.

Ibinigay ka ng Maykapal.
Sana’y mga sandali ay bumagal.
Kasiyahan mo’y kagalakan ko.
Ako ay palaging sa iyo, irog ko.”

IG @paperprojectphoto
www.paperprojectphoto.com

Jason Magbanua | Shayne Ganalon Events Management | Palazzo Verde | Terence Buenaventura | Makisig By Groom Me Weddings | Banggo Niu | Paulo Lazaro | Weddings&Motifs | made speciALI | k. by cunanan catering | Amelia Blossoms | Arlene Arzadon Maruyama

11 Jan

K A M I | Miguel X Denise | BAGUIO

“Ang buhay hindi katulad ng pagsasanay kay Zima.
Minsan kahit paulit ulit, hindi pa din nakukuha ng tama.
Pero nang makilala ka, uy ang lakas ng tama.
Kaya alam ko na, ikaw ay habambuhay nais makasama.

Mula sa araw na ‘to, hindi nalang kami, kun’di tayo.
Sa ngayon ay tatlo, pero malay mo?
Malamig man sa Baguio,
Pagmamahal ay magliliyab para lamang sa’yo.”

The PaperProject
IG @paperprojectphoto

Aceron Studios | Baguio Country Club |Bella Borromeo Atelier | Exclusively His Tailoring | Rocelmakeupart | Thirty One Events

11 Jan

S A / W A K A S | Marlon X Erna | MANILA

“Kay haba ng riles na hindi alam saan ang tatahaking landas.
Sa takot at lungkot, hindi rin nakaiwas.
Kay daming tren ang pinalagpas.
Pero sa pagbaba ng estasyon, ikaw at ako, sa wakas!

Ngayon andito ka na sa piling ko.
Bumagal at bumilis man ang ikot ng mundo.
Laging gugustuhin sakyan ang mga trip mo.
Sasayaw tayo hanggang dulo.”

The PaperProject
IG @paperprojectphoto

Aceron Studios | Alalay.ko Events Management Consultancy | Makeup Artistry by Lil | ThePaperblooms

09 Jan

H I N A Y | Drew X Jastine | TAGAYTAY

“Oct.25,2021 – our wedding day. This is the day that we’re all waiting for. Morning pa lang super lakas na ng ulan. I was really worried kung pano kakalabasan sa pictures kasi once in a lifetime lang ako ikakasal and we really invested sa photovid kasi Drew and I decided na yun yung magiging priority namin kasi that’s the only thing that we can rewatch over and over again and show to our future kids as well. Since malakas pa rin yung ulan outside, we were doing photoshoot inside lang. Everyone is really praying for the rain to stop because I really want to have a different venue for the ceremony and reception. If ever na di magsstop yung rain, our venue for the ceremony and reception would be the same sa indoors. Then God heard our prayer, I was surprised when I went out for the ceremony na nasa labas na yung setup. Apparently, Drew decided to have the setup outdoors and trust God that the rain will stop and it will all work out. And it did. God made it sunny just in time before the ceremony. Everyone’s saying that the pouring rain from morning before the ceremony around 3PM means blessings for us. That it would not be a testimony if we did not show how rooted is our faith in God that we trusted Him to make the rain stop for our wedding.

If I would describe our wedding, I would say it was a glorious wedding indeed. Since Drew and I are Christians, and most of our family and guests are not, our goal is really to inspire them how a wedding would look like when the couple obeyed God and waited for the right moment to do things that are only meant to be done by married couples. That it’s possible to end up with someone who’s right for you as long as you wait patiently. It is truly rewarding to get married when both of our families approved it and gave their blessings. They saw how we both value each other since our goal is to be married to each other as early as when we’re still dating. I would say that our wedding opened the eyes of those couple who are in a relationship that it’s okay to get married already even when you’re only in your 20s. As well as for those who are single that it’s okay to be single for a time being. That the right one will come so long as you maximize your single-hood and prepare yourself on how you can be your best when it’s time to enter in a relationship. Drew and I both waited for a long time before we end up with each other. Drew’s my first boyfriend and he’s single for 10 years before he courted me. As what I’ve said in my vows, God really hears our prayers because he gave me the best husband I could ever ask for. Our wedding day is just one day and some of our friends and family may not remember it few years from now, but it’s the day that my husband and I will cherish forever. It is also a day where you cannot control everything. Some things will not go according to your plans no matter how early you started preparing for it. You just have to let go and let God. At the end of the day, it all boils down on the quality of our marriage. As what we said, marriage is a gift from God to us. The quality of our marriage is our gift to Him. “

“Hinay lang, puso ko,
Mabilis masyado ang tibok mo.
Nakita ka lang, parang lulukso.
Katuparan ito ng lahat ng panalangin ko.

Nagsimula sa isang sulyap,
Hanggang naabot kita, aking pangarap.
Saksi and Diyos, sa gitna ng bagyo, magkaharap.
Sa lahat ng bukas, ayaw ko na kumurap.”

The PaperProject
IG @paperprojectphoto
www.paperprojectphoto.com

Treehouse Story | G Events | Belle Does Makeup

09 Jan

A T I N | Rommel X Frances | TAGAYTAY

“At ngayon, sa pagdatal ng tamang panahon
Ikaw ay naging akinBiglang lahat sa mundo ay umayon
Pangakong hindi na ipapaling ang tingin
Sa’yo lamang mula noon hanggang ngayon
Lalo na sa lahat ng bukas, ano man ang sapitin
Dahil ang pagmamahalang ito ay atin”

The PaperProject
IG @paperprojectphoto
www.paperprojectphoto.com

Aceron | Styled Celebrations by Kits Diaz | Thea Dionisio Make Up | k. by cunanan catering | Bridal Boutique Manila | Artuz 101 | Cake Studio | Narra Hill | Chapel on the Hill

09 Jan

S A / P A G / U S B O N G | Vince X Ishi | RIZAL

“Sa pag usbong ng bagong kabanata
Ang Maykapal ang lumathala
Tiyak walang makakasira
Dahil mayroong ako, ikaw, at S’ya

Makinig ka, puso natin ay may bulong
Idilat ang mata at tayo’y lumusong
Hawak kamay, hindi uurong
Kahit panahon pa ay lumaon.”

The PaperProject
IG @paperprojectphoto
www.paperprojectphoto.com

Treehouse Story | The Weekend Planner | Desert Moon PH | Francis Libiran Bridal | Masungi Georeserve