UMAAPAW | Carlo & Erika | Manila / Alabang

“Ang tagal na kitang kasama,Nasasabik pa din sa bawat umaga.Lahat ng baso ng kape na ikaw ang nagtimpla.Kilig umaapaw, sobra. Mapunit man ang pantalon,Asahang ako ay nandoon.Bumilang pa ng ilang taon,Hindi ba ang ganda kung nasaan tayo ngayon? Sa bawat byahe, malungkot at masaya,Buhay pala ay hindi isang karera.Minsan mabagal, nakakalito, pasikot-sikot.Pero kalma, sa passenger […]

PIKIT AT DAMPI | Ralph & Gel | Manila

“Pumikit at ating makikita ang paraiso.Mga araw, oras at taon na sa iyo lang iaalay.Sa buong kalawakan, tayo pa pinagtagpo.Nakuha ang pangarap buhat ng ika’y nakasama.Nakakamangha hindi ba? Dampi ng mga kamay, sinag ng aking buhay.Humiling ng kaakbay, binigay ay pang habang buhay.Sumali sa aking panaginip at nawala.Nawala ang lumbay at dumapo pawang kasiyahan.” www.paperprojectphoto.comIG […]

LUMAPIT | Clarence & Rio | Manila

“Sabay sa galaw at di bibitaw.Puti o itim lahat babagay.Walang alinlangan, ako’y kapitan.Halina mahal, lumapit. Lumapit at tayo’y uusad.Hindi dito titigil at ika’y aalalayan.San man mapadpad.Ikaw lang hangad.” IG @paperprojectphoto

IMBITASYON | Ron & Athena | Manila

“Nagsimula sa imbitasyon na nauwi sa relasyon.Walang humpay na paglalakbay satin naghihintay.Maglakbay sa aking isip na ikaw lang ang nais.Doon tayo sa kung saan makulay ang ating magiging buhay. Isang rebelasyon sa mundo ang ating hinayag.Sa bawat salita sila’y namangha.Hindi inaasahan ang aking kagalakan.Sa sining lang pala kita matatagpuan.” IG @paperprojectphotowww.paperprojectphoto.com

PANINGIN | Enzo & Tracy | Baguio

“Hanggang saan makakarating ang pag-ibig mo para sa akin.Sa araw, sa buwan, at sa mga bituin.O ‘di kaya’y sa mga lugar na inaabot ng ating paningin.Basta’t alam ko, sa lahat ng ibayo na tayo ay dadalhin. Sa mga dinaanan, ikaw pala ang tatambayan.Sa hirap at ginhawa, palaging dadamayan.Tayong dalawa sa isa’t isa manahan.Kailanman hindi ka […]

PANATAG | Dom & Erika | Rizal

“Tumaas ang mga alon.Sumama man ang panahon.Habang nasa isang bangka, ikaw at ako.Mapanatag, dahil ligtas ka sa bisig ko. Mula ngayon at kailanman pipiliin ka.Sa buhay tayo ay maglayag.Higit sa sabay nating pagtaas sa larangan.Habambuhay tayo ay magmamahalan.” The PaperProjectIG @paperprojectphotowww.paperprojectphoto.com PhotoFarm Digital Collaboration | RabbitHole Creatives | Terence Buenaventura | Villa Milagros

SA WAKAS | Marlon & Erna | Manila

“Kay haba ng riles na hindi alam saan ang tatahaking landas.Sa takot at lungkot, hindi rin nakaiwas.Kay daming tren ang pinalipas.Pero sa pagbaba ng estasyon, ikaw at ako, sa wakas! Ngayong nandito ka na sa piling ko.Bumagal at bumilis man ang ikot ng mundo.Laging gugustuhin sakyan ang mga trip mo.Sasayaw tayo hanggang dulo.” The PaperProjectIG […]

BUKAS | Zeus & Loisa | Manila

Bukas sasalubungin ang bagong umaga.Ngunit sa ngayon ay pwede tayong magtaka.Na kung bakit sa haba ng paghihintay, dito pa din pala.Maaring sa isang araw ay mag iba, pero sa ngayon ito muna. Sa lahat ng ito kailangan nating makita, o titigan, o minsan, hanapin.Hindi tayo nagiisa sa mga pinagdadaanan natin.Tuloy lang, tiwala lang sa Kanya, […]

PARATI | Marc & Jean | Manila

“Sa isang banda, ikaw at si Alpha.Sa dulo, gitna at simula ay kasama.Sa maliit o malaki, madali man o mahirap ay di ka iiwan.Dahil sa inyo naging kuntento. Mga pangamba ating kalimutan.Isang araw na lahat tayo ay magkasama.Isa, dalawa at tatlo.Habambuhay walang tatalo.” The PaperProjectIG @paperprojectphoto La Belle Fête | White Noise Creative Space | […]