Category: Prenup

18 Apr

S I M U L A | Richard X Kristina | TAGAYTAY

“Sa hinaba haba ng landas na tinahak
Paikot ikot man, at pagkatagal
Sa layo, sa lungkot, sa duda, sa pananabik
Pagmamahal mo ang kinapitan, ikaw ang tanggulan Ito’y hindi wakas, kun’di simula ng bagong kabanata
Bagong yugto nating dalawa”

The PaperProject
IG @paperprojectphoto
www.paperprojectphoto.com

Aceron Studios | Yanilea Laguidao | Jhazz Marquez

18 Apr

P A G T U L O Y | Paul X Hazel | BGC

“Hindi sa paghinto kundi sa pagtuloy
Ilang beses man madapa asahan ika’y sasaluhin
Sasabayan at aalalayan, iyong pagibig aking aalagaan
Sa pagsugod sa ating hinaharap ako’y lingunin
Aking irog ika’y sumama, tayo’y magpatuloy nang walang pangamba”

The PaperProject
IG @paperprojectphoto
www.paperprojectphoto.com

Paradox Films | Luxyface by Tin-tin Arcenal

18 Apr

I H I P | Elmo X Caren | ALABANG

“Saksi ang mga tala
Sa walang katapusang hinala
Na sa akin ba ay may nakalaan pa
Hanggang dumating ka

Nagbago ang ihip ng hangin
Nang ikaw ay lumapit sa akin
Mula noon ay alam ko na wala na ngang makahihigit pa
Sa iyong pagsinta”

The PaperProject
IG @paperprojectphoto
www.paperprojectphoto.com

Ish Sison Makeup Artistry Jingx Cruz Styling Aceron Studios

18 Apr

H A P L O S | Jay X Maricel | TANAY

“Hindi wari na sa’yo pala ay nangungulila
Hanggang sa isang araw dumating ka ng bigla
No’ng una’y nag alinlangan, ngunit sabi mo “huwag kang mabahala”
Mailap man at nangangamba
Takot ko’y naparam
Sarili kong kay tagal kong hinanap
Sa haplos mo pala makikita”

The PaperProject IG
@paperprojectphoto
www.paperprojectphoto.com

Glow by Gerly Bridal | Indie Hippie Style

06 Apr

B L A N G K O N G / P A P E L | Jeck X Jam | MANILA

“Nagsimula ang lahat sa isang blankong papel
Walang anuman kun’di ang isang posibilidad
Na bukas ay baka mag iba
Maaring tayo na

Sa pag ihip ng hangin
Tinangay nito ang bawat pahina
Kasama ang mga kabanata
Unti-unti, napuno ang ating libro

Nagkaroon ng kulay, ng letra
Nagkaroon tayo ng istorya
Akalain mong sa dami ng ating dinaanan
Dito din pala tatahan

Hahayaan na sa paglipas ng panahon,
Palagi tayong sabay aahon
Sa pagdaloy ng bawat segundo
Tuwina ako ay tanging sa iyo”

The PaperProject
IG @paperprojectphoto
www.paperprojectphoto.com

The Spark Series | Jingx Cruz Styling | Hair and Makeup by Jomah Chu

26 Nov

A K I N G / T A H A N A N | Renan X Joella | TAGAYTAY

“Gaya ng pagikot ng mundo
Pagtangi sa’yo ay walang hanggan
Hindi napapagod
Wakas ay malabo
Pagsintang wagas ay hindi maglalaho
Dumadaloy kung paanong ang tubig sa ilog ay sa dagat ang tungo
Na kahit ang daanan ay batuhan
Gayon din ang hinaharap natin na hindi man tiyak
Palaging ikaw lang ang uuwian”

The PaperProject
IG @paperprojectphoto
www.paperprojectphoto.com

Nini Marquez (Make-Up Artistry By Nini)

26 Oct

B A L E R | Mel X Lau

A 6 to 7-hour drive from Manila, rain in the morning, and scorching hot sun in the afternoon, but we managed to pulled off an amazing set thanks to Mel and Lau who are game in every single bit of the shoot! One quick break from the Metro to this awesome location called Baler, with the happy vibe couple, Mel and Lau!

The PaperProject
IG @paperprojectphoto
www.paperprojectphoto.com

Reel Story Videos

22 Oct

P A Y A P A | Sab X Paolo | BATANGAS

“Huni ng mga ibon sa isang panibagong umaga
Mga buhangin na sadyang sumisiksik sa aking mga paa
Habang hawak-kamay tayong naglalakad sa dalampasigan
Ako ay iyong sinulyapan
Nang parang biglang dinampian ng mga tala itong mga labi
Tuloy ako ay napapaindak sa iyong tabi
Kapayapaan na ngayon lang naranasan
O ako ay iyong huwag bitawan”

The PaperProject
IG @paperprojectphoto
www.paperprojectphoto.com

MakeUp and MakeArt by Rocel