Category: Prenup

09 Jan

S A / W A K A S | Marlon X Erna | MANILA

“Kay haba ng riles na hindi alam saan ang tatahaking landas.
Sa takot at lungkot, hindi rin nakaiwas.
Kay daming tren ang pinalipas.
Pero sa pagbaba ng estasyon, ikaw at ako, sa wakas!

Ngayong nandito ka na sa piling ko.
Bumagal at bumilis man ang ikot ng mundo.
Laging gugustuhin sakyan ang mga trip mo.
Sasayaw tayo hanggang dulo.”

The PaperProject
IG @paperprojectphoto

Aceron Studios | Makeup Artistry by Lil | White Noise Creative Space

09 Jan

B U K A S | Zeus X Loisa | MANILA

Bukas sasalubungin ang bagong umaga.
Ngunit sa ngayon ay pwede tayong magtaka.
Na kung bakit sa haba ng paghihintay, dito pa din pala.
Maaring sa isang araw ay mag iba, pero sa ngayon ito muna.

Sa lahat ng ito kailangan nating makita, o titigan, o minsan, hanapin.
Hindi tayo nagiisa sa mga pinagdadaanan natin.
Tuloy lang, tiwala lang sa Kanya, sa ngayon man ay mahirap isipin.
At sa bukang liwayway sabay sabay tayong gigising.”

The PaperProject
IG @paperprojectphoto

Indie Hippie Style | Makeup by Miss A | SoFEM – Series of Fortunate Events Management

09 Jan

P A R A T I | Marc X Jean | MANILA

“Sa isang banda, ikaw at si Alpha.
Sa dulo, gitna at simula ay kasama.
Sa maliit o malaki, madali man o mahirap ay di ka iiwan.
Dahil sa inyo naging kuntento.

Mga pangamba ating kalimutan.
Isang araw na lahat tayo ay magkasama.
Isa, dalawa at tatlo.
Habambuhay walang tatalo.”

The PaperProject
IG @paperprojectphoto

La Belle Fête | White Noise Creative Space | Mark Kingson Qua | Joe San Antonio – Fojas

09 Jan

P I N T A | Jepoy X Astrid | MANILA

“Buhay natin parang paggawa sa isang obra
Galing sa wala, unti unti nagkaroon.
May kanya kanyang kwentong hindi mabubura
Napupuno ng kulay sa pagdaan ng panahon.

Bawat guhit may kahulugan, lahat ng kumpas iniingatan
Palagi sa ikatlong palapag ika’y sasamahan
Maging sa hirap at ginhawa man
Mahal, hindi kita iiwan.”

The PaperProject
IG @paperprojectphoto
www.paperprojectphoto.com
White Noise Creative Space

09 Jan

H I L I N G | Dwayne X Bernadette | TAGAYTAY

“Diwa’y nagising.
Mga mata’y nag ningning.
Lahat nag iba nang ika’y dumating.
Ikaw pala ang tangi kong hiling.

Sabay hinanap ang tadhana.
Lahat kakayanin basta kasama ka.
Isang dosenang taon, tayong dalawa.
Sa puso ko ika’y nag iisa.”

The PaperProject
IG @paperprojectphoto

Styling by Yvonne Camay | Makeup By Edward Pascual | Zenith Events Management PH | Thal Ruin Photography

18 Apr

I H I P . G A L A W . K U L A Y | Franco X Julie | TANAY

“Hinayaang ang ihip ng panahon na ika’y sa akin ay dalhin
Mahalin ka’y pinili
Hindi pinilit, ni hindi inakala
Inspirasyon sa tuwina ay ikaw
Kaya sa araw araw ay mukha mo ang nais matanaw
Ngayon tayo’y narito,
Walang pagsisisi at walang alinlangan
Anomang balakid ating lalagpasan
Magkasama magpakailanman.”

The PaperProject
IG @paperprojectphoto
www.paperprojectphoto.com

Roadtale

18 Apr

T A Y O / T O Y O | Jayr X Ayi | TANAY

We often create our own poem based on our shoot or our couple but this one was made by our bride Ayi. We cannot unsee this and just wanted to share it with you all! 🙂
“Katulad ng patuloy mong pagpili sa TAYO sa kabila ng malakas kong TOYO,
Asahan mong umaraw, umulan o bumagyo,
Malamang nakalilim lang ako, charot, syempre kasama mo ako”

The PaperProject
IG @paperprojectphoto
www.paperprojectphoto.com

Aceron Studios | Alessandra Makeup Artistry | Styled By J-em Sta.Ana

18 Apr

T A H I M I K | EJ X Thesa | ANTIPOLO

“Isang araw namulat ang mga mata
Sa isang lugar na tila payapa
Naghanap ng kasama ngunit wala
Sinundan ang samyo sa paghahagilap

Hindi ako makapaniwala sa aking nakita 
Oo, ikaw…aking diwata
Sa katahimikan ng lahat, nandoon ka 
Aking panghabambuhay, ikaw na nga”

The PaperProject
IG @paperprojectphoto
www.paperprojectphoto.com

Glow by Gerly Bridal | Indie Hippie Style | Sarah Monteza | Timmy in the Woods